Technical Education and Skills Development Authority Website

Department of Trade and Industry Website

Development Bank of the Philippines Website

Bureau of Soil and Water Management Website

Peace and Equity Foundation Website

DILG Website

Rotary International Website

Department of Environment and Natural Resources Website

Mataas na Lagnat

Share

ANG MATAAS na lagnat (39ºC pataas) ay nagsasanhi ng pagkatuyo ng tubig sa katawan at pagkabalisa sa karamihan ng pasyente, at kombulsyon naman sa ibang pasyente.

Pang-unang lunas:

Punasan ng tubig ang buong katawan lalo na ang kili-kili at singit.

Maaaring gamitin ang tubig sa gripo o poso. Mas maigi ang tubig na may yelo.

Hindi na kailangang lagyan pa ng alcohol ang tubig.

Tuyuin ang napunasan kapagkaraka. Iwasan na mahanginan ang basang katawan. Ulit-ulitin ang pagpupunas at pagpapatuyo.

Painumin ng maraming tubig, sabaw, o katas ng prutas ang pasyente. Ang tubig ay kailangan upang maiwasan ang pagkatuyo ng tubig sa katawan.

Maaaring bigyan ng paracetamol kung ayaw bumaba ng lagnat sa pagpupunas lamang.

Ibigay tatlong beses isang araw, kung labis na mataas ang lagnat:

Matanda            1 tableta            3 beses isang araw

Bata 7-12           ½ tableta          3 beses isang araw

Bata 2-6            ¼ tableta           3 beses isang araw

Sanggol             1/8 tableta        3 beses isang araw

BABALA!

ANG LABIS NA PARACETAMOL AY MASAMA SA ATAY.

Source: KAPPAG, Inc. “Sapagkat ang Kalusugan ay Karapatan Naming mga Maralita ng Lungsod,” p. 220. 1991.

User Rating: / 0
PoorBest 
We have 11 guests online