Technical Education and Skills Development Authority Website

Department of Trade and Industry Website

Development Bank of the Philippines Website

Bureau of Soil and Water Management Website

Peace and Equity Foundation Website

DILG Website

Rotary International Website

Department of Environment and Natural Resources Website

Rayuma

Share

ANG RAYUMA o sakit ng kasu-kasuan sa matatanda ay karaniwang dala ng pagkalaspag sa paggamit. Kadalasang naaapektuhan ay ang likod, balakang, at tuhod dahil ang timbang ng ating katawan ay dala nila. Ang kondisyon ay tinatawag na osteo arthritis.

Mga dapat gawin:

  • Ipahinga kung sumasakit
  • Pahiran ng mainit na linimento – katulad ng linimento ng luya.
  • PAALALA! Iwasan ang mga gamot para sa kirot dahil maaaring maksanhi ito ng ulcer sa sikumra o bituka.

Linimento ng Luya:

Magtadtad ng luya. Iluto sa mahinang apoy sa loob ng 5 minuto ang 1 tasa ng luya sa 1 tasa ng edible oil (mantika). Ilagay sa malinis na bote. Kung sumusumpong ang rayuma, siyang ipampahid.

Mga ibang klase ng pagsakit o pamamaga ng kasu-kasuan:

Rheumatic Arthritis. Masakit at mahirap igalaw ang kamay at ibang kasu-kasuan kung umaga. Mas madalas sa babae.

Dapat gawin: Igalaw ang mga kasu-kasuang masakit. Kalimitan nawawala ito kung naigagalaw.

Gouty Arthritis. Masakit tang hinlalaki sa paa matapos kumain ng maraming karne at uminom ng sobrang alak. Kadalasan sa lalaki.

Dapat gawin: Maaaring uminom ng 2 tableta ng aspirin. Iwasan ang alak at bawasan ang pagkaing maraming uric acid (lamang loob, karne, etc.)

PAALALA! Ang aspirin ay hindi dapat inumin ng may ulcer at may allergy sa aspirin. Kung kinakailangan, inumin na kasama ng pagkain o ng isang basong tubig.

Rheumatic Fever. May lagnat, maga, at mainit ang tuhod, siko, o iba pang kasu-kasuan. Kadalasan sa bata at teenager.

Dapat gawin: Kumunsulta sa doktor. Sundin ang payo tungkol sa paggamit ng gamot.

Source: KAPPAG, Inc. “Sapagkat ang Kalusugan ay Karapatan Naming mga Maralita ng Lungsod,” pp. 84-85. 1991.

User Rating: / 0
PoorBest 
We have 17 guests online