Technical Education and Skills Development Authority Website

Department of Trade and Industry Website

Development Bank of the Philippines Website

Bureau of Soil and Water Management Website

Peace and Equity Foundation Website

DILG Website

Rotary International Website

Department of Environment and Natural Resources Website

Sakit ng Tiyan

Share

ANG KABAG ay karaniwang sanhi ng sakit ng tiyan sa bata. Mga palatandaan: nag-iiyak ang bata; tambol ang tunog ng tiyan (pero malambot) kapag pinitik ng daliri.

Dahilan ng kabag: nakalunok ng maraming hangin dahil sa maling pagpapasuso; sobra ang nasuso o nakain.

Upang maiwasan ang kabag: huwag pasusuhin ang bata; idapa ang bata at tapikin ang likod para idighay ang hangin; aluin ang bata upang tumigil sa pag-iyak.

Iba pang karaniwang dahilan ng sakit ng tiyan ng bata: kasamang nararamdaman pag nagtatae; may bulate; naimpatso o hindi natunawan sa kinain; sobrang nakain.

Maaarin gawin: bigyan ng pinakuluang dahon ng bayabas: Kumuha ng sariwang talbos ng bayabas. Linisin at tadtarin. Sumukat ng 2 kutsara (kung bata) o 4 kutsara (kung matanda). Ilagay sa kaldero na may 2 basong tubig. Pakuluan. Hatiin sa 2 bahagi. Ipainom ang kalahating baso. Ipainom pa ang natirang kalahating baso kung hindi nagbago sa loob ng 3 oras. PAALALA! Kung walang pagbabago, isangguni agad sa doktor.

Ang ulcer at hyperacidity ay mga karaniwang dahilan din ng sakit ng tiyan.

Ulcer. May sugat (ulcer) ang sikmura o bituka. May nararamdaman ding pangangasim at puno ng hangin ang tiyan. Ang sakit ay mahapdi. Maaaring sumpungin ng sakit kung gutom o bagong kain.

Hyperacidity. May sobrang asido sa sikmura. May nararamdamang pangangasim ng sikmura. Mahangin ang tiyan. Nagdidighay.

Ang asido sa sikmura ay normal na inilalabas. Nakatutulong ito sa pagtunaw ng pagkain at depensa rin sa mikrobyo. Kung sora ang paglabas ng asido, maaaring magasgas ang sikmura o bituka at magkaroon ng sugat (ulcer). Isang dahilan ng paglabas ng maraming asido ay ang labis na tensyon o pag-aalala sa mga problema.

Paggamot:

Kailangan ang mahusay na aktitud at maayos na pagdadala ng problema. Iwasan ang pag-aalala. Harapin ng maayos ang problema.

Iwasan ang pagpapalipas ng gutom. Maigi ang saging, crackers, at kanin. Iwasan ang alak at sigarilyo.

Kung walang pagbabago, maaaring uminom ng antacid. Ang mga antacid ay nagne-neutralize ng asido sa sikmura

Aluminum hydroxide-Magnesium hydroxide. Durugin ang tableta sa 2 kutsarang tubig. Inumin. Gawin ito sa pagitan ng mga pagkain at bago matulog.

Source: KAPPAG, Inc. “Sapagkat ang Kalusugan ay Karapatan Naming mga Maralita ng Lungsod,” pp. 60-63. 1991.

User Rating: / 0
PoorBest 
We have 12 guests online