Technical Education and Skills Development Authority Website

Department of Trade and Industry Website

Development Bank of the Philippines Website

Bureau of Soil and Water Management Website

Peace and Equity Foundation Website

DILG Website

Rotary International Website

Department of Environment and Natural Resources Website

Sipon

Share

ANG KARANIWANG sipon (common cold) ay dahil sa ilang klase ng virus katulad ng rhinovirus. Tayo ay madalas magkasipon lalo na kung mahina ang ating resistensya.

Mga nararamdaman kung may sipon dahil sa virus:

  • Masakit ang ulo
  • May sipon at/o baradong ilong
  • Maaaring may lagnat
  • Maaaring may ubo din
  • Maaaring makati ang lalamunan

Mga dapat gawin kung may sipon:

  1. Magpahinga, kung maaari. Mas madaling gumaling ang sipon kapag nakapagpahinga.
  2. Uminom ng maraming tubig, sabaw, o katas ng prutas na napapanahon.
  3. Kumain nang husto.

Karamihan sa karaniwang sipon ay magaling na sa loob ng 2-7 araw.

Ang ibang sipon ay maaaring dahil sa allergy (allergic rhinitis).

Mga nararamdaman kung may allergic rhinitis:

  • Ang pasyente ay bahing nang bahing
  • Walang lagnat
  • Maaaring nagluluha

PAALALA!

Iwasan ang bagay na nakaka-allergy. Ilan sa maaaring dahilan ng allergy: alikabok sa bahay, kapok, pollen, at balahibo ng hayop. May sinisipon din dahil sa lamig o ehersisyo.

Ang ilong ay may koneksyon sa sinus at tenga, lalamunan, at daanan ng hininga pababa. Upang maiwasan ang kumplikasyon ng sipon katulad ng sinusitis at luga, huwag suminga nang malakas.

Mamahinga rin at kumain nang husto upang huwag humina ang resistensya at maiwasan ang pagkalat ng impeksyon sa iba’t-ibang bahagi ng daanan ng hininga.

Source: KAPPAG, Inc. “Sapagkat ang Kalusugan ay Karapatan Naming mga Maralita ng Lungsod,” pp. 40-41. 1991.

User Rating: / 0
PoorBest 
We have 27 guests online